Senador paiimbestigahan ang hakbang ng DOH para pigilan ang pagkalat ng monkeypox

Nakatakdang maghain si Senador Christopher Bong Go ng isang resolusyon sa senate committee on health upang siyasatin kung gaano ba kahanda ang bansa para pigilan at i-contain ang mga kaso ng monkeypox.

Sa ambush interview sa Vigan, Ilocos Sur nais umano ng senador na malaman kung may nakalatag na bang health protocols ang DOH pagdating sa naturang virus.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Sisiyasatin sa naturang hearing ang screening process at border control upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Maliban dito inihayag din ni Go na dapat magkaroon ng malawak na information dessimination sa publiko ng mga dapat malaman kaugnay sa sakit.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon sa Senador hindi pa tayo nakakalagpas sa COVID-19 pandemic kaya’t kailangan malaman kung ano ang ginagawang hakbang ng DOH officials para pigilan ang hawaan ng monkeypox virus.

Nabatid na noong nakaraang linggo ng kumpirmahin ng DOH ang unang kaso ng monkeypox virus mula sa isang returning overseas Filipino.
#