Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na ang naitalang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas para sa taong 2022 ang magbibigay daan upang makakuha ang bansa ng mas maraming investors.
Paliwanag ni Gatchalian, ang naitalang 7.6% gross domestic product (GDP) ay pinagsamang pagsisikap ng gobyerno upang palakasin ang ekonomiya at makapagbukas ng iba’t ibang oportunidad para sa mga Pilipino.
Naniniwala rin ang senador na ang nakamit na GDP ay magdudulot sa pagpapabuti sa koleksyon ng kita at magiging dahilan upang suportahan at palawakin pa ng gobyerno ang mga proyekto at programa sa bansa.
Samantala, iginiit ng mambabatas na nananatiling hamon para sa publiko ang pagpapababa ng inflation rate at presyo ng pagkain.
