Senador kay PBBM: ‘mas lokal’ ang problemang kinahaharap ng bansa

Naniniwala si Senate Minority Leader “Koko” Pimentel na sinasalamin lang ng pagtaas ng travel funding ng Pangulo ang plano ng kasalukuyang administrasyon para sa 2024.

Base kase sa RA 11975 o General Appropriations Act of 2024 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ay tumaas ng limampu’t walong porsyento ang pondong nakalaan para sa local at foreign trips nito.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kung saan ngayong taon ay nasa P893.57 milyon lang ito at lolobo naman ito sa P1.408 bilyon ngayong darating na taon.

Ngunit sa kabila ng pag-welcome ng senador dito ay pinaalalahan niya ang pangulo na “more local” na ang mga problemang kinahaharap ng bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa niya, mas kinakailangan ding magpokus ng Pilipinas sa paggawa ng sarili nitong produkto kaysa sa pag-iimport.

Maalala, ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil makatutulong ang local at foreign travels ng pangulo upang makakuha ng mas maraming foreign investments.