Sen. Padilla, umaasang makalulusot na rin sa Senado ang Cannabis Medicalization Act

Itinuturing na magandang balita ni Senador Robin Padilla ang paglusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng panukalang batas na magli-legalize sa paggamit ng marijuana para sa medical treatment.

Kasunod nito, umaasa si Padilla na ganun din ang tatahakin ng kanyang itinutulak na Senate Bill No. 2573 o Cannabis Medicalization Act sa Senado upang mapirmahan na agad ng Pangulo.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Ang nasabing panukalang batas ng senador ay umabot na sa plenaryo sa ilalim ng committee report no. 210 matapos itong suportahan ng labingtatlong senador.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kung saan, ilan lang sa mga senador na lumagda rito sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senador Raffy Tulfo at Senador Joel Villanueva.