Sen. Marcos sa PIRMA: magpasa na ng mga hinihingi dokumento

Hinikayat ni Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senadora Imee Marcos ang ilan pang Davaoeños na ipasa lang ang kanilang iba pang ebidensya hinggil sa nangyaring signature buying campaign para sa people’s initiative (PI).

Ayon kay Marcos, marapat lang na matuldukan ito upang makapagpokus na sa mga problemang mas kinakailangan ng tugunan.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Kaugnay nito, bago tuluyang matapos ang pagdinig ay inutusan din niya ang People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) na kausapin ang kliyente nito na magpasa agad ng donation list, donor’s tax certificate o maging vouchers hinggil sa inilabas na television advertisement.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Ayon kay Marcos, titiyakin nila sa Senado na mailaban ang demokrasya at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

Maalala, ayon sa awtoridad, nasa P55 milyon ang halaga ng naging television ad placement na naglalayong isulong ang Charter Change (Cha Cha) at labanan ang Edsa People Power Revolution .