Hiniling ni Senadora Risa Hontiveros sa kanyang inilabas na pahayag ang pagkakaroon man lang ng kaunting hiya ni Apollo Quiboloy.
Kasunod ito sa naging paghahain ng abugado ni Quiboloy ng kanyang certificate of candidacy upang makatakbo bilang senador sa paparating na eleksyon.
Anya, bagamat batid niya na karapatan ng bawat isa na makapaglingkod sa bayan ay umaasa siya na magiging wais ang mga Pilipinong botate sa pagpili ng lider na kanilang iboboto.
Pinaalalahanan naman din niya ang mga ito na huwag iluklok ang tulad ni Quiboloy na isang lawbreaker o hindi marunong sumunod sa batas.