Sen. Go ipinauubaya sa mga Filipino ang paghuhusga sa mga nagawa ng Duterte Administration

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y well-delivered State of the Nation Address nitong Lunes.

Binigyan-diin ni Go na bahala na ang mamamayang Pilipino ang humusga sa mga napagtagumpayan ng Duterte Administration.

Ayon sa senador noong nangangampanya pa lamang ang Pangulo ay kabilang sa mga ipinangako niya ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno, kriminalidad at iligal na droga.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dapat umanong tanungin na lang ang taumbayan kung nakakalakad na sila ng ligtas sa gabi, kung yung mga anak nito ay nakakauwi nang hindi nababastos at nasasaktan ng mga adik.

Inihayag naman ni Go na kapag pumupunta siya sa abroad ay marami ang mga OFWs ang nagpapasalamat sa Pangulo dahil meron na itong peace of mind habang nagtatrabaho.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Naniniwala si Go na ramdam ng mga kababayan ang pagbabago na ginawa ni Pangulong Duterte kasama na ang free education sa mga state colleges and universities, universal healthcare at Malasakit Center na inisponsoran ng Senador, at marami pang iba.