NAGA CITY–Hinikayat ng Bikolanang Senadora ang mga kapwa mambabatas na ibasura ang House Bill no. 4437 na naglalayong bigyan ng prangkisa ang isang pribadong kompanya upang makapag-operate bilang power distributor sa rinconada area.
Sa inilabas na News Release ng Camarines Sur Electric Cooperative o CASURECO 3, sinabi umano ni Sen. De Lima na ang mga stakeholders kabilang ang mga Mayor ng lalawigan, Bicol Electric Cooperative Association o BECA at Philippine Rural Electric Cooperatives Association o PHILRECA kontra sa naturang panukala.
Matatandaan na nagsagawa ng sabayang caravan ang mga electric cooperative sa Bicol Region para kontrahin ang isinusulong na franchise bill para sa operasyon ng Bicol Light.
Ayon pa sa Senadora kung ang nasabing pribadong kompanya ay aalisin sa pagsusupply ng kuryente ang CASURECO 3, ay mapipilitan aniya ang mga member consumers na magbayad ng karagdang babayarin sa bill ng kanilang mga kuryente.
Dagdag pa nito, ang pagbibigay ng prangkisa sa Bicol Light ay nanganghulugan ng pagbabalewala sa serbisyong ibinibigay ng mga linemen at iba pang kawani ng kooperatiba.