Seguridad sa paggunita ng EDSA People Power Anniversary, pinaplantsa na ng PNP

Pinaplantsa na ng Philippine National Police ang kanilang security preparations sa paggunita ng ika-38th EDSA People Power Revolution sa February 25.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sa initial deployment , magpapakalat sila ng aabot sa 6,000 na police personnel sa Metro Manila habang 2,500 police personnel naman sa Cebu.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nabatid na isang prayer rally ang isasagawa sa Cebu City kasabay ng paggunita ng People Power Revolution

Batay sa mga anunsyo na nai-post online, ang prayer rally ay layon umanong isulong ang “Transparency, Accountability, Peace, and Security sa bansa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay Gen. Acorda, sisiguruhin ng PNP ang seguridad at kaayusan kasunod ng inaaasahang kilos-protesta kasbaay ng mga programa sa linggo.