CAMARNES NORTE- Umapela ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet.
Sa maikling pahayag umapela ang Obispo sa lahat na magbahagi at mag abot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo sa diwa umano ng pagiging magkakapatid sa espiritu ng pagiging Kristiyano.
Kahapon, inilaan ang ikalawang koleksyon sa mga misa para sa mga biktima ng bagyo na ipapadala sa mga apektadong Diyosesis.
Una na ring naglunsad ng apela ang Caritas Philippines para matulungan ang mga komunidad na winasak ng typhoon Odette na nagresulta rin sa pagkamatay ng hindi bababa sa 60 katao.
Ayon kay Fr. Antonio Labiao national Caritas’ executive secretary maraming Diyosesis sa Visayas at Mindanao region ang winasak ng bagyo
Batay sa situationer report na isinumite ng Caritas Philippines sa Caritas Internationalis, hindi bababa sa sampung Dioceses ang sinira ng bagyo.
Lubhang kailangan umano ngayon ang shelter materials, pagkain, tubig at gamot.
Sa inisyal na ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kabilang sa mga severely damaged ng bagyong Odette ay ang Archdiocese of Cebu, at Dioceses ng Tagbilaran, Maasin, at Surigao
