Search for Model Family sa So.Cot, umarangkada na

KORONADAL CITY- UMARANGKADA na ang Search for Outstanding Model Family sa lalawigan ng South Cotabato.

Inihayag ni Population Program Officer IV Crispy Arves na ang evaluation sa 11 mga entries mula sa iba’t ibang mga local government units sa lalawigan ay magsisimula sa October 5 hanggang October 21.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Arves na dahil sa pinaluwag na mga COVID 19 restrictions, magiging face-to-face na ang evaluation sa mga model families.

Ang mananalong model family ay makakatanggap ng premyong P 50,000; P 30,000 sa 2nd place; at P 20,000 sa 3rd place.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang Search for Most Outstanding Model Family ng PPO ay may layuning kilalanin at parangalan ang mga modelong mag-asawa at kanilang mga anak na nagpapakita ng magandang pamamahala sa kanilang pamilya at tahanan sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagpapakumbaba, value for education, hard work, love of God at serbisyo sa kapwa.