SCPW nasa restoration na lamang ng suplay ng tubig; pipe replacement activity 100% tapos na

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Sorsogon City Prime Water (SCPW) na sa ngayon ay nasa restoration na lang sila ng suplay ng tubig habang 100% na rin nilang natapos ang pipe replacement activity.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay SCPW Branch Manager Engr. Hendrickson Latonio, sinabi nito na bago matapos ang buwan ng Agosto ay makukumpleto na ang kanilang proyekto na unang sinimulan nitong Marso kung saan nasa P30M ang kabuuang nagastos ng kompanya.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

 Kaugnay nito, inanunsyo rin ng opisina ang 15% na pagtataas ng taripa sa tubig sa huling kwarto ng taon o sa buwan ng Setyembre kung saan tiniyak naman nito ang pagbibigay ng mas magandang suplay ng tubig sa lungsod.