SBP nangakong babawiin ang trono sa Southeast Asian Games basketball

Nangako ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na reresbak para muling makuha ang korona sa Southeast Asian Games basketball.

Ginawa ng SBP ang pahayag matapos ang upset loss ng Gilas Pilipinas sa koponan ng Indonesia sa 31st Sea games.

Sa isang pahayag humingi ng paumanhin si federation president Al Panlilio dahil sa pagkatalo sa basketballl team na mahigit tatlong dekada naghari sa southeast asia.

Naiintindihan naman umano ng SBP ang pagkadismaya ng mga Pinoy fans dahil sa pagkatalo.

Subalit tiniyak ni Panlilio na babawi ang Pilipinas at muling kukunin ang trono sa larangan ng mens basketball sa SEA games.