SBMA tumutulong sa pagrarasyon ng tubig sa mga lugar na nahihirapan sa suplay

SBFZ-Tumutulong na maging ang Subic Bay Metropolitan Authority sa pagrarasyon ng tubig sa mga kalapit lugar nito na nakakaranas ng hirap sa suplay.

Nitong Sabado ay umikot na ang water tanker ng SBMA at naghatid ng tubig sa mga taga Olongapo at Subic na nangangailangan sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa SBMA, magpapalitan sa pagrarasyon ng tubig ang truck nito at ng Philippine Red Cross.

Matatandaan na, ilang mga purok sa Bgy. New Cabalan sa Olongapo ang nahihirapan sa suplay habang ilang barangay naman sa bayan ng Subic.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang mga truck ng mga LGU, water concessionaires at Bureau of Fire Protection ay nagtutulungan rin sa paghahatid ng tubig.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Chair & Administrator

May be an image of text