Sapat ang supply ng karne ngayong holiday season tiniyak ng NCPM; supply naman ng isda, kinukulang

NAGA CITY – Tiniyak ng Naga City People’s Mall, na sapat ang supply ng karne ngayong Holiday Season, subalit kinukulang ang supply ng isda.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Ramon Florendo, Market Superintendent.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya off season kasi ngayon, litaw na litaw ang liwanag ng buwan na nagiging dahilan ng limitadong pagkakahuli ng mga isda.

Magaan lamang dahil hindi nila pinoproblema ang supply ng karneng baboy, manok, at baka kahit pa inaasahan ang mataas na demand.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala, regular ang monitoring at inspection ng opisina hindi lamang sa mga meat at fish products maging sa mga gulay lalo na ngayong may pagtaas sa mga presyo nito.