Santo Papa, nakatakdang bumisita sa Lebanon ngayong Hunyo

Kinumpirma ni Lebanon President Michel Aoun sa isang presidency statement na sinabihan siya ni Apolostic Envoy Joseph Spiteri hinggil sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa kanilang bansa sa darating na Hunyo.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Matatandaan na nakipagpulong ang Santo Papa kay Aoun nitong nakaraang buwan ukol sa nakakabahalang krisis doon.

Samantala, nitong Nobyembre naman ay nagkaroon ng pagpupulong si Pope Francis sa Vatican kay Lebanon Muslim Prime Minister Najib Mikati.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinasabing ito na ang ikatlong pagbisita ng isang Santo Papa sa nasabing bansa matapos ang civil war taong 1975 hanggang 1990. (ARGIE ERGINA)