Sangguniang Bayan ng Quezon, hinihikayat ang mamamayan laban sa product hoarders

Hinihikayat ng Sangguniang Bayan ng Quezon, Palawan ang mamamayan na maging mapagmatyag o maingat laban sa mga hoaders o nagtatago ng produktong pang-agrikultura.

Sa nakalipas ng sesyong regular, inihayag ni Councilor Elson Rayoso na dapat maging maingat ang publiko laban rito dahil ang product hoarding ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng produkto sa merkado.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Inihalimbawa ng lokal na mambabatas ang natuklasang pag-iimbak ng bigas at sibuyas sa ibang probinsya na sinalakay ng Bureau of Customs.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pinangangambahan kasi ng Chairman ng Committee on Market na mangyari ito sa lalawigan kung hindi mababantayan ang mga oportunista.