Sandro Mulach, sumasailalim sa psychological evaluation matapos na ma-trauma sa nangyari

BABALA SENSITIBONG BALITA:

Sumasailalim ngayon sa psychological evaluation sa National Bureau of Investigation ang aktor na si Sandro Mulach dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa hearing ng Senado.

Ayon sa NBI, na-trauma ang aktor sa nangyaring insidente sa kanya.

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Samantala, pina-subpoena naman ng Senado ang dalawang contractor ng isang TV network na sina Jojo Nones at Richard Cruz matapos na hindi makadalo sa pagdinig. Pero nagbigay ang mga ito ng liham sa Senado at dito itinanggi ng dalawa ang mga alegasyon.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Hindi naman tinggap ng Senado ang liham ng dalawang contractor.

Sa kabilang banda, nanawagan si Sen. Robin Padilla sa NBI na gumamit na ng mga shortcuts upang mapabilis ang pagkamtan sa hustisya.