Sama-samang kinalampag ng grupo ng mga private hospital ng tanggapan ng Department of Health (DOH) habang isinisigaw ang agaran ng pagbigay ng One COVID-19 allowance (OCA) at Health Emergency Allowance (HEA).
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Ronald Ignacio Spokesperson ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP), sinabi nito na kahapon daang-daang miyembro ng UPHUP ang nakiisa sa kanilang panawagan sa DOH na tila nagbibingi-bingihan sa kanilang mga kahilingan
Giit pa ni Ignacio, hindi pa rin na reresolba ang problema sa server na ginagamit para i-upload ang datos ng mga health worker sa mga private hospital para sa magkatatanggap ng nsabing benepisyo na lalong nagpapabagal ng proseso gayung inabutan na ng pag-lif of sa public health emergency sa bansa.
Nabatid na una ng kinalampag ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang DOH sa hindi pa naipapamahagi na P12.57 bilyong halaga ng health emergency allowances para sa mga healthcare workers (HCWs) at non-HCWs matapos na ibaba na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo dito.
#