Sakay ng topdown, pinagbabaril sa Narra Palawan

Pinagbabaril ang isang sakay ng topdown bandang alas 2:00 ngayong hapon sa National Highway ng Bgy. Princess Urduja Narra Palawan.

Ayon kay kapitan Rizaldy Roman ng Bgy. Princess Urduja, sa inisyal na impormasyon nakilala ang biktima na si Ariel Laxamana , 42 anyos , residente ng Bgy. Bato-Bato. Sakay ang biktima ng kanyang topdown nang pagbabarilin.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Anim na pirasong basyo ng bala ang narekober sa insidente ng pamamaril.

Samatala ganap na 4:45 ngayong hapon kinumpirma ni PMaj. Reginal Manalo ng Narra-PNP na hawak na nila ang suspek na hindi na muna pinangalanan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Usapin sa lupa ang lumalabas na motibo sa pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Narra PNP.