Russian tourist, pina deport mula Bali dahil sa nude photo sa isang sagradong puno

Isang Russian tourist ang pina deport mula sa Bali, Indonesia dahil sa kanyang nude photo sa isang sagradong puno sa bansa.

Ang 40-taong-gulang na babae, na kinilala bilang si Luiza Kosykh, ay umalis sa Denpasar, Bali papuntang Moscow ilang araw lamang matapos siyang mahuli ng mga immigration officials.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Inaresto si Kosykh matapos mag-viral ang kanyang hubad na larawan sa harap ng 700-year-old banyan tree na ikinagalit ng mga local Hindus dahil hindi niya na ginalang ang puno.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Sinabi naman niya na ang nude photo ay kinunan ilang taon na ang nakalipas at hindi niya alam na ito ay itinuturing na sagrado.//CA