RR Pogoy hindi na makakapaglaro sa SEA Games dahil sa bali sa kanyang dailiri

Hindi na makakapaglaro para sa national team sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang Gilas Pilipinas gunner na si RR Pogoy dahil sa bali sa kanyang pinky finger o hinliliit na kinailangang sumailalim sa operasyon.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Bagama’t wala pa ring tiyak na timetable para sa kanyang paggaling, inaasahan na ng Tropang Giga guard na kinakailangan ng panahon para tuluyan siyang gumaling, dahilan upang hindi siya makapaglaro sa Gilas sa SEA Games na magaganap sa Mayo.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Nakuha ni Pogoy ang injury sa Game 3 ng TNT-Ginebra Finals duel.

Matatandaang nabigo rin si Pogoy na makasama sa pambansang koponan sa ka-anim at huling window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers dahil sa natamong ankle injury.//CA