Roque, nanindigang wala nang halaga ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at US

Nanindigan si former presidential spokesperson Harry Roque na walang silbi ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng United States at Pilipinas.

Ayon sa video na naka-upload sa Youtube channel ng Integrated Development Studies Institute (IDSI) nitong Martes, sinabi ni Roque na kailangan muling tingnan at pag-aralan ang nasabing kasunduan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Idiniin ni Roque na wala nang silbi ang kasunduan dahil sa kabila nang pagkakuha ng ilang mga isla sa Pilipinas, walang natanggap na agarang rescue ang bansa mula US.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag pa ng international law expert, kapag napatunayang wala nang silbi ang Mutual Defense Treaty, ano pa ang kahalagahan nito?

Ayon kay Roque, ang kasunduan ay napirmahan noong 1951 at ipinagtibay noong 1952, at kinakailangang pag-aralan muli upang makita kung makatutulong pa ba ito para sa Pilipinas. // SMM