Romualdez – hindi papatol sa mga pahayag laban sa kanya patungkol sa People’s Initiative

Inirerespeto ni House Speaker Martin Romualdez ang opinyon ng mga senador laban sa isinusulong na People’s Initiative upang maamiyendahan ang Saligang Batas.

Tugon ito ni Romualdez matapos ilabas ng Senado ang manifesto na tumututol sa People’s Initiative na iniuugnay sa kanya.

Sa isang press conference, sinabi ng House leader na wala siyang balak na patulan ang mga hindi magagandang salita na ibinabato sa Kamara o sa kanya.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Magiging masaya umano siya sa mga positibong pananaw o anumang makatutulong dahil ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos ay pagkakaisa habang ang “foul words” ay walang lugar at hindi na dapat pinapansin.

Karapatan aniya ng iba na magpahayag ng opinyon dahil sa “freedom of expression” ngunit hindi na niya ito sasagutin.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa halip, handa umano si Romualdez na makipagtulungan sa mga senador at yakapin ang Resolution of Both Houses Number 6 upang simulan ang pagsilip sa economic provisions ng Konstitusyon.

Dagdag pa nito, ang isinusulong na economic Cha-Cha ay hindi para sa mga kongresista, senador o kay Pangulong Marcos kundi sa mga Pilipino kaya maaaring ang RBH 6 ay solusyon na sa hinaing ng mamamayan.