Rider na umano’y lasing, sumemplang- Patay

Patay ang isang rider na si Reymond S. Tirol, 24 ng Purok Pag asa Barangay 4 Roxas Palawan.

Naaksidente ito sakay ng motorsiklo ganap na 11:50 gabi ng Linggo, May 29, 2022.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon sa Roxas PNP, nagmula sa Barangay 3, Roxas si Reymond at pauwi na sana nang mawalan siya ng kontrol sa manibela kaya dumiretso ito sa gilid ng highway.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sinikap ng Risk Reduction Management Office na maihatid sa pagamutan ang binata subalit idineklara itong Dead on Arrival.

Iniulat ng pulisya na pinaniniwalaang naka-inom ng alak ang biktima.