Richard Gomez, naka-bonding ang anak na si Juliana sa fencing

Nakabonding ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang kanyang anak na si Juliana sa pamamagitan ng isang fencing match base sa Instagram video na kanyang ibinahagi.

Sinabi ni Gomez sa caption ng post: “I am very fortunate that at my age, I am able to fence epee with my daughter.”

Read More:  Gee Canlas breaks silence on alleged physical abuse by Archie Alemania

Kung maalala ay sinabi ni Juliana na matagal na siyang nagsasanay sa nasabing sport na may gabay ng kanyang ama, na kasalukuyang presidente ng Philippine Fencing Association.

Read More:  Bruno Mars is coming back to the Philippines for “The Romantic Tour” in May 2027

Noong Abril, ay ipinakita ni Juliana ang ilan sa mga litrato nito sa beach na kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Miggy Bautista, na miyembro ng national fencing team.

Mababatid na si Juliana ay ang 20-anyos na babaeng anak nina Richard at Lucy Torres-Gomez.