Rice production ng Pilipinas noong 2023, umabot sa record-high na 20 milyong tonelada

Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos na umabot sa record-high na 20 million metric tons ang naaning palay sa taong 2023.

Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa ceremonial harvesting at pamimigay ng iba’t ibang assistance sa Candaba Pampanga, sinabi nitong ang 20million metric tons ay katumbas ng 1.5% na pagtaas mula sa nakaraang taon o dagdag na mahigit 300, 000 tonelada ng palay.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Nakatulong ang record-high volume na mapalakas ang kabuuang halaga ng produksyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa PhP1.763 trilyon noong 2023, mas mataas kaysa sa PhP1.757 trilyon na antas noong 2022.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Bunga anya ito ng pamimigay ng pamahalaan ng libreng pataba at binhi.
#