Revitalized Oplan “CHECKMATE”, inilunsad ng Batangas PPO

Inilunsad ng Batangas Police Provincial Office ang Revitalized Oplan “CHECKMATE”

Ayon sa Batangas PPO, tugon ang programa sa pagdagsa ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle riders na layuning gumawa ng krimen gamit ang motorsiklo.

Sa ilalim ng Oplan Checkmate, susuriin ng mga law enforcement officers ang tamang dokumentasyon at ibe-verify ang status ng mga sasakyan sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Kaugnay nito, mahigit 800 sasakyan ang naimpound at 778 traffic citation tickets ang inisyu ng PNP.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Tiniyak naman ng PNP sa publiko na ang lahat ng kanilang operasyon ay isasagawa nang may pinakamataas na paggalang sa karapatang pantao at due process.

Nanawagan din ang PNP sa lahat ng residente ng Batangas na suportahan ang naturang inisyatiba at maging parte ng mas ligtas na komunidad. (BRIGADA INTERN JOEL RICALDE)