Returning Filipinos, kailangang magparehistro sa One Health Pass, bago umuwi

Ipinaalala ng Malacañang na lahat ng Pilipino na uuwi ng Pilipinas ay kailangang magparehistro sa One Health Pass (OHP) ng gobyerno bago ang kanilang pagdating sa bansa.

Ang One Health Pass ay isang online platform na naglalayung ma-promote ang maayos at tuloy-tuloy na galaw ng international travelers mula pag-alis sa bansang pinanggalingan hanggang sa pagdating sa mga local government unit ng kanilang destinasyon.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Sa ilalim ng bagong panuntunan ng gobyerno, na simula sa Feb. 10 ang mga fully vaccinated Filipinos ay kailangang magpresenta ng negative RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 48 hours ng kanilang departure.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang mga ito rin ay hindi na kailangang sumailalim sa facility-based quarantine, pero kailangang magself-monitor para sa mga posibleng sintomas sa loob ng pitong araw, simula ng kanilang pagdating.//MHEL PACIA-TRINIDAD