Resulta ng halalan sa El Salvador, maantala sa kabila ng deklarasyon ni President Bukele

Hinimok ng Supreme Electoral Court ng El Salvador sa mga istasyon ng botohan sa buong bansa na i-manu-manong bilangin ang resulta ng halalan sa pagkapangulo matapos maantala ang electronic transmission results.

Dahil dito, maari ring maantala ang anunsyo ng mananalo, kung saan inaasahang maglandslide victory si President Nayib Bukele.

Sa kabila ng mga problema sa halalan, idineklara na ni President Bukele ang kanyang pagkapanalo matapos makakuha ng initial 1.3 million votes.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Bilang parte ng proseso, magpapasa sa Korte ang mga election officials at party representatives ng photographic evidence upang panatilihin ang transparency sa botohan.