Resolusyong naglalayong imbestigahan ang epekto ng AI sa Labor Market, inihain sa Senado

Ipinunto ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development Chaiperson, Senator Joel Villanueva, na isa sa mga layunin ng Konstitusyon na garantisahin ang proteksyon at kapakanan ng mga trabahador.

Maliban pa roon, prayoridad din nito ang pag gamit sa siyensya at teknolohiya upang magamit sa pagpapa-unlad at pagsulong ng kabuuang liberasyon sa mga indibidwal.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Alinsunod nito, inihain niya sa Senado ang Senate Resolution No. 990 na nagdidirekta sa angkop na komite na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa kahandaan ng gobyerno sa pagtugon sa epekto ng Artificial Intelligence sa labor market.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Dagdag pa niya, layunin din ng pagdinig na ito na tukuyin ang mga oportunidad na mayroon ang AI upang makapagdala ng positibong resulta sa ekonomiya habang binabawasan ang maaaring epektong dala nito.