Rep. Castro kinundena ang ‘bayad-utang’ na appointment kay Agriculture Sec. Laurel

Nanindigan si House Deputy Minority Leader, ACT-Teachers party-list Rep. France Castro na dapat ay hindi gawing pambayad-utang ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga posisyon sa Gobyerno.

Ito ang kaniyang reaksyon matapos ang appointment ng negosyanteng si Francsico Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Kung maaalala kasi, si Sec. Laurel ang isa sa mga naging top-campaign contributors ni Marcos sa kaniyang 2022 presidential candidacy.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Sabi ni Castro, tila’y nagiging ‘political payback’ daw kasi ang nangyaring appointment kay Laurel.

Aniya, kung sila raw ang tatanungin, mas makabubuti pa kung maghanap na lamang ng mas babagay sa posisyon, at tunay na maglilingkod sa local agricultural sector.