Remulla, itinagging pinoprotektahan si Rodrigo Duterte mula sa ICC drug war probe

Itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pino-protektahan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs.

Ayon kay Remula, kung meron silang ebidensya na gustong ibahagi na makakatulong sa imbestigasyon, at maari naman at hindi na umano kinakailangan na usigin pa ito sa ibang korte, dahil mayroon naman umanong sariling korte ang Pilipinas.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Mababatid na tinawag ng justice secretary ang reopening bilang unwelcome at irritant, at iginiit na hindi siya makikipagtulungan para sa anumang tangkang pagkuwestiyon sa soberenya ng Pilipinas.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, itinanggi rin nito na nakipag-ugnayan siya kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa kanyang naging tugon. .

Depensa ng kalihim, hinahawakan lang nila ang justice system sa paraang dapat ito hawakan.