Remulla, hinimok si Zulueta na harapin ang mga reklamong pagpatay na inihain laban sa kaniya

Hinimok ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla  si Bureau of Corrections  Deputy Security Officer Ricardo  Zulueta na harapin ang mga reklamong pagpatay na inihain laban sa kanya para sa pagkamatay ng broadcaster na siPercy Lapid  at Cristito Villamor Palana.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Nag-react ang Justice Secretary sa social media post ng abogadong si Lauro Gacayan na nagsabing siya ay kinuha bilang legal counsel ni Zulueta.

Si Zulueta ay co-respondent ni suspended BuCor Director General Gerald Bantag sa mga reklamong pagpatay na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa DOJ noong November 7.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa kabila ng pagpapalabas ng mga subpoena, hindi pinakinggan ni Zulueta o ng kanyang abogado ang patawag na humarap at maghain ng kinakailangang counter-affidavit.//CA