Rehabilitation Center para sa mga disabled employees, itatayo ng pamahalaan sa Rizal

Nilagdaan kanina sa Palasyo ng Malacañang ang memorandum of understanding o MOU sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagtatayo ng Workers Rehabilitation Center Complex o WRCC.

Ang WRCC ay itatayo sa 50 hectares sa Tanay, Rizal, para suportahan ang “Balik Buhay Manggagawa” ng mga empleyado at sundalo na nagkaroon ng kapansanan sa trabaho at tulungan silang magpagaling upang makabalik sa trabaho.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ang pondo ay manggagaling sa Employees’ Compensation Commission at sa mga investment arm nito tulad ng Social Security System at Government Service Insurance System.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ang WRCC ang isa sa pagsisikap at balakin ng administrasyon para sa pag angat at pangangalaga sa buhay ng mga manggagawa.

Ito rin daw ang pagsasakatuparan sa proyekto na binalak pa noong taong 1979.