Register Anywhere ng Comelec posibleng buksan na rin dito sa Daet sa unang pagkakataon sa pagsisimula ng voter registration sa Pebrero 12

CAMARINES NORTE – Posibleng buksan na rin sa unang pagkakataon dito sa bayan ng Daet ang Register Anywhere Project (RAP) ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng voter registration sa Pebrero 12.

Unang inilunsad ang RAP noong Enero 2023 sa ilang piling shopping malls sa Metro Manila, Central Visayas at Bicol Region pero hindi nakasama ang Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa ngayon ay  nakahanda ang Comelec Daet para dito pero mayroon pang mga kakulangan at dapat ayusin sa system para tuluyang mailunsad ang RAP.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kung matutuloy ay gagawin ito sa SM City Daet.

Pero kung hindi naman matuloy ay may isa pang programa na niluluto ang Comelec na tinawag namang satellite register anywhere kung saan ang Office of the Election Officer sa lahat ng bayan  sa Camarines Norte ay dadalhin sa iisang venue.

Gagawin naman ito sa Pebrero 23 hanggang 24, Biyernes at Sabado upang ang mga taga malayong lugar na nandito sa daet ay hindi na kailangang umuwi sa kanila para lang magparehistro.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Tatagal ang registration period hanggang Setyembre 30 ng taong kasalukuyan mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays maliban na lang kung ideneklara ng Comelec na walang registration.

Ang mga eligible Filipino ay maaaring magtungo sa Office of the Election Officer o sa satellite registration sites sa kani- kanilang lugar sa mga nabanggit na araw at oras.

Suspendido naman ang voter registration sa March 28, 29 at 30, 2024 o sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.