NAGA CITY –Pumalo sa 49 ang kaso ng COVID 19 sa Camarines Sur, 14 naman sa Naga City sa huling update ng Department of Health- Bicol.
Kung saan sa kabila nito normal pa ang galaw ng Philippine Red Cross Camarines Sur sa mga bloodletting activity at program.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Tony Macatangay, In-Charge sa bloodletting activities.
Aniya may mga naka-schedule nang aktibidad sa mga susunod na buwan bilang paghahanda upang hindi magkaroon ng problema sa supply, ngunit hindi rin nagiging kampante ang opisina, nag-iingat pa rin naman sila, kailangan din ang tuloy-tuloy na programa lalo na’t marami araw-araw ang mga nangangailangan ng dugo kabilang na nga ang mga nanganganak, nagdidialysis, mga naooperan, may mga cancer at iba, nagbibigay rin sila ng supply sa ibang pasilidad ng ibang probinsya sa Bicol.
Sa ngayon naka-green code o sapat ang suplay ng dugo sa Red Cross.
Mababatid na naging mahigpit ang screening ng red cross sa mga magpapakuh ang dugo lalo na sa mga may kataasan ang temperatura.