Recruitment scam sa Milan, iniimbestigan na ng Philippine Consul General

Kinumpirma ng Philippine Consul General sa Milan na kasalukuyang iniimbestigahan nito ang dalawang ahensya at limang indibidwal na sangkot sa umano’y recruitment scam.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ayon kay Consul General Elmer Cato, iniimbestigahan nila ang mga ulat ng mga kahina-hinalang job offers sa nakalipas na dalawang buwan.

Dagdag pa nito na dalawang ahensya na ang kanilang iniimbestigahan ukol sa mga reklamong pinaabot ng mga biktima.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kinumpirma ni Cato na mga Pilipinong nakabase na sa Milan ang mga nagrereklamo at nagsisilbing “middlemen” sa pagitan ng kanilang mga kaibigan o kamag-anak sa Pilipinas.