Nagsagawa ng relief operation ang Office of Senator Christopher “Bong” Go para sa mga residente ng Malilipot, Albay na sinalanta ng Bagyong Rolly noong 2020.
Sa kanyang video message, nag-alok ng suporta si Senator Go para sa mga apektadong residente at muling tiniyak sa kanila na committed ito sa pagtulong na muling maitayo ang kanilang kumunidad.
Kaugnay nito, muling binuhay ng senador ang kanyang pagsusulong para sa pagpasa sa Senate Bill No. 1228 na nagbibigay sa mga establisyemento ng mandatory evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod, at lalawigan.

“Nakita naman natin ang matinding pangangailangan para sa mga istrukturang ito na nagsisilbing panandaliang tahanan ng mga Pilipino sa tuwing may bagyo o anumang natural disaster. Huwag nating antayin na may panibagong sakuna pang dumating. Umaksyon na tayo dapat para maprotektahan lalo ang buhay ng bawat Pilipino,” said Go.
Sa gitna nito, nagbigay ang mga staff ni Go ng pagkain, vitamins, masks, at face shields sa kabuoang 1,134 residents, habang mga piling residente ang nakatanggap ng computer tablets, bagong sapatos at bisekleta.