Recoveries sa COVID-19 sa Bicol sumampa na sa mahigit 19K

BICOL—Nagtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling ang Bicol region base sa ulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Umabot ito sa 200 kung kaya sumampa na rin sa 19,146 ang total recoveries. 50 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 43 sa Masbate, 40 sa Camarines Norte, 31 sa Camarines Sur, 20 sa Sorsogon, 14 sa lungsod ng Naga at dalawa sa Albay.

Samantala, 180 na panibagong kaso naman ang nadagdag kung kaya sumampa na sa 23,280 ang total confirmed cases ng sakit sa rehiyon.

Pinakamaraming bagong kaso ng naitala sa lalawigan ng Masbate na umabot sa 57 kung saan 29 nito ay mula sa Masbate city, anim sa bayan ng Aroroy, lima sa bayan ng Cawayan, tig-aapat ang mga bayan ng Dimasalang, Mandaon at uson at tig-iisa ang mga bayan ng Balud, Milagros, Mobo, Pio V, Corpus at Placer.

Sumunod ang Camarines Sur na may 52 new cases kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Goa, tig-aanim ang mga bayan ng Ocampo, Pili at Ragay, lima sa bayan ng Calabanga, apat sa bayan ng Magarao, tigtatlo ang bayan ng Buhi at lungsod ng Naga, tigdadalawa ang mga bayan ng Canaman, Del Gallego at Libmanan at tig-iisa ang mga bayan ng Gainza, Lupi, Milaor at Nabua.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

31 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Labo, anim sa bayan ng Vinzons, lima sa bayan ng Daet, tatlo sa bayan ng Capalonga, tigdadalawa ang mga bayan ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Paracale at Sta elena.

19 na bagong kaso naman ang nadagdag sa Sorsogon kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon City, anim sa bayan ng Castilla at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Donsol, Gubat, Matnog at Prieto Diaz.

Ang Albay ay nagtala ng 17 bagong kaso kung saan tigtatatlo ang lungsod ng Legazpi at mga bayan ng Malilipot at Sto. Domingo, tigdalawa ang lungsod ng Ligao at Tabaco at tig-iisa ang mga bayan ng Manito, Oas, Polangui at Tiwi.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tatlong kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes na mula sa mga bayan ng Gigmoto, Viga at Virac habang may isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Pito ang mga bagong naitalang nasawi kung kaya pumalo na sa 877 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol. Lima sa mga bagong fatalities ay mula sa Sorsogon at tig-isa ang Camarines Norte at lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm