RDC full meeting isasagawa ngayong araw; accomplishment ilalatag na ang mga nagawa sa loob ng tatlong taon

LEGAZPI CITY – Isasagawa mamayang 1 ng hapon ang Regional Development Council (RDC) Meeting sa Marison hotel sa lungsod ng legazpi.

Pangungunahan ito ng National Development Economic and Development Authority (NEDA) Bicol at Gov Elect at kasalukuyang Alkalde ng Legazpi Noel Rosal bilang Chairman ng RDC sa rehiyon.

Ayon kay Rosal, ilalalatag nito ang mga nagawang accomplishment ng kanyang panunungkukanf bilang isang chairman sa loob ng tatlong taon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kabilang sa mga ilalatag nito ang Bicol International Airport (BIA), maumpisahan ang South PNR Long Haul Project na target na masimulan sa taon 2025, pagkakalagay sa Top 10 performing ang Bicol Region sa nagawa o natapos na proyekto.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Dagdag pa nito, may mga LGUs rin na mabibigyan umano ng award sa nasabing aktibidad upang makilala ang kanilang nagawang accomplishment sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ng opisyal, hindi rin nito masasabi kung siya pa rin ang pipiliin na maging RDC Chairman sa Bicol dahil ang mag aaproba bilang Chairman ay ang Pangulo ng bansa.