Rank No. 2 MWP ng Juban MPS, arestado

SORSOGON CITY – Hinainan na ng kanyang warrant of arrest ang itinuturing na No. 2 most wanted person ng Juban Municipal Police Station.

Inaresto si Francisco Paclibar Hular alias Francis Hular, 49-anyos, may asawa, electrtician at residente ng Brgy North Poblacion ng nasabing bayan.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC, 5th Judicial Region, Br 12, Sorsogon City sa kasong Acts of Lasciviousness na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

May itinakdang piyansa na P108K ang naturang kaso.

Si Hular ay nasa kustudiya na ng himpilan ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.