SORSOGON CITY-Naaresto na ang isang lalaki na tinaguriang No.1 MMWP makaraang hainan ito ng kanyang apat na arrest order sa Brgy. Terrapin, San Pascual ,Masbate.
Kinilala ang akusado na si Casinillo Cuervo, 45 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Calumpang, Brgy. Mabini, San Pascual ng nasabing islang probinsiya.
Napag-alaman din na si Cuervo ay regula na miyembro ng New People’s Army.(NPA), sa ilalim ng Platun 2, Larangan 1, Komite Probinsiyal 4 sa pamumuno ni Eliseo Cabarles Jr. alyas Kiko.
Base sa report, ang pinagsanib na pagtututlungan ng Scout Platoon, HHC 96 MICO ang infantry ng Phili[ppine Army, 2nd IB,9th ID,Bravo Company ng Philippine Army, Coast Guard Masbate at San Pascual MPS ang nagsilbi ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder noong taong 2016, wala itong piyansa; Arson na may inerekomendang piyansa na P24,000; Frustrated Murder na may piyansang 200,000 na parehong ipinalabas ng RTC Br. 46 ng Masbate at para sa kasong Murder uli na ipinalabas ng Br.44 Masbate na walang inirekomendang piyansa.
