Random drug testing, isinagawa ng PNP Bicol sa mga tauhan

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng random drug testing ang Philippine National Police (PNP) Police Regional Office (PRO) 5 sa kanilang mga tauhan sa Multi-Purpose Building ng Camp Simeon Ola, Legazpi City.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Ito ay bilang bahagi ng kanilang internal cleansing upang tiyakin ang kaayusan sa kanilang insitusyon.

Dagdag pa nito, mahigpit ang kanilang isinasagawang monitoring upang matiyak na lahat ng kanilang mga tauhan ay disiplinado at hindi lumalabag sa mga ipinapatupad na kautusan at tuntunin.

Read More:  Bishop raises family, social concerns over Boracay casino

Sa ngayon, kumpyansa ang opisina na wala silang mga tauhang magpopositibo sa iligal na droga.