Quiboloy, wala nang choice kundi sumuko – PBBM

Hindi naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na sumuko si Apollo Quiboloy sa mga otoridad.

Ayon kay Pangulong Marcos, palagay niya – hindi lilitaw si Quiboloy, kung hindi siya hinabol ng gobyerno.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Hindi umano pag-surrender ang nangyari, dahil napilitang lumabas si Quiboloy dahil malapit na ang pulis sa kanya.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Mababatid na sa unang mga ulat, sinasabing ‘sumuko’ ang televangelist sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), at ang iba pang kasamahan nito, 5:30 ng hapon kahapon.