Iimbestigahan rin ng gobyerno ng Pilipinas si Pastor Apollo Quiboloy, matapos maharap sa sex trafficking at ilan pang mga krimen.
Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay magdedepende sa ebidensya mula sa United States.
Una nang naghain ang US prosecutors ng kaso laban kay Quiboloy dahil umano sa pwersahang pakikipagtalik sa mga menor de edad na babae, sa ilalim ng banta ng “eternal damnation.”
Samantala, sinabi ni Guevarra na hanggang sa ngayon, wala pa silang natatanggap na opisyal na extradition request at kopya ng charging document mula sa US.

Matatandaan na sinabi rin ng kalihim na may kasong rape, child abuse, at human trafficking na inihain laban kay Quiboloy sa Davao City noong nakaraang taon, pero ito umano ay nabasura.
Sa gitna nito, ang naturang dismissal ay inapela ngayon sa DOJ. //MHEL PACIA-TRINIDAD