Quiboloy – ‘di pa rin daw tiyak kung dadalo sa mga subpoena

Hindi pa rin daw nakapagdedesisyon si Apollo Quiboloy kung personal siyang haharap sa mga pagdinig ng Senado at Kamara.

Ito ay sa gitna ng mga inisyung subpoena ng dalawang kapulungan ng Kongreso laban sa televangelist.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sa isang panayam – sinabi ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na ‘di pa rin daw nakapagpapasiya si Quiboloy.

Sa kabila niyan – bukas pa rin umano ang komunikasyon kay Quiboloy.

Bago ito – una nang sinabi ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na hindi pa rin niya tatanggapin sa darating na pagdinig ang abogado ni Quiboloy bilang representante niya.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Sabi ng Senadora – si Quiboloy lang ang pupuwedeng sumagot sa mga akusasyon laban sa kanya kaya marapat lang na siya ang humarap.