Quezon rank 3 most wanted person, nasakote sa bayan ng San Antonio

Nasakote ang isang lalaking umano’y Rank 3 Provincial Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa San Antonio, Quezon nitong Huwebes, Enero 25.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Joseph”, 35-anyos at residente ng naturang bayan.

Si alyas Joseph ay may kinakaharap na kasong Rape with Sexual Assault sa ilalim ng criminal case number 2023-2089 na may inirerekomendang piyansa na nagkakahalagang ₱200,000.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.