Queen Margrethe II, sumakay sa kanyang karwahe sa huling pagkakataon

Nagpakita sa publiko at sumakay si Queen Margrethe II ng Denmark sa kanyang gintong karwahe sa huling pagkakataon bilang monarko, bago niya ipasa ang trono sa anak niyan si Crown Prince Frederik.

Sumakay ito mula sa kanyang tahanan sa Amalienborg Palace patungo sa parliament para sa isang tradisyonal na pagtanggap ng Bagong Taon.

Ginamit niya ang isang karwaheg pinahiran ng 24-carat gold leaf na ginawa ni Henry Fife noong 1840 para kay Christian VIII.

Maalalang inanunsyo ng 83-anyos na reyna sa kanyang tradisyonal na talumpati na magre-retiro na siya, na ikinagulat ng marami.