Puno ng Acacia, tumama sa isang bahay sa Naga City

NAGA CITY – Bumaksak ang puno ng Acacia sa isang bahay sa Peñafrancia, Naga City.

Dahil sa ilang araw nang umuulan na dulot ng Bagyong Paeng, naging marupok ang puno. Ayon kay Christine Morada, may-ari ng bahay dahil ito sa katandaan ng puno at sa malakas na buhos ng ulan nasinabayan ng hangin dahil sa Bagyong Paeng.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa kabila ng pangyayari, malaki ang pasasalamat nila dahil wala sa kanilang bahay ang mga anak nang maganap ang insidente.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nagpapatuloy ang pag-iikot ng mga personahe ng Incident Management Team para sa assessment pero kung titinggnan ang lungsod hindi naman nag-iwan ng malaking pinsala ang nasabing Bagyo.